Gloria

Agaw Agimat

ng bait mo sa masa 
Kasalo mo pa sa daing na ulam nila 
Kahit halatang di mo gusto 
Pinipilit mo, sa laki ng pagmamahal mo 

Kinakamayan mo kahit sino 
Kahit mag-amoy isda 'yang kamay mo 
Dahil alam mong kailangan nila 
Ang iyong pag-aruga at ang pagkalinga 

Ang laki ng puso mo 
Ang laki ng talino mo 
Ang laki ng unawa mo 
Ang laki-laki ng pag-ibig mo 

Ang laki ng yabang mo 
Ang laki ng tapang mo 
Ang laki ng angas mo 
Ang laki-laki ng ngipin mo! 
(Ang laki-laki ng asawa mo!) 

Namimigay ka ng bahay at lupa 
Trabaho sa mga taong walang-wala 
Taos at bukal sa puso mo 
Ang 'yong pagkalinga sa mga kapos at kawawa 

Naghahanap ka ng kakampi 
Laban sa mga nang-aapi 
Pinatawag mong kaibigan mo 
Dahil may nanggugulo 

Natutuwa ako't may kagaya mo 
Mapagmahal at maprinsipyo 
Gusto kitang yakapin nang mahigpit 
Sa tuwa, mahigpit na mahigpit 
Hanggang di ka na makahinga!
Página 1 / 1

Letras y titulo
Acordes y artista

restablecer los ajustes
OK